Binisita ko muli ang kontrobersyal na blog ni Matt. XD paano ito naging kontrobersyal? Dahil sa dalawa niyang mga naisulat tungkol sa UST. Basta... ^^ gamitin niyo na ang kagandahan ng internet at ang iyong mga "stalking" powers kung hindi niyo talaga mahanap sa blog niya yun. ahaha. XD Ayun.. basta... Marami ang nagalit, nag-react, nagmura, nang-okray at lahat na siguro ng mga negatibong reaksyon na maiisip niyo.
Sa ngayon, oo. Napalitan na ni Matt yun blog niya ngunit marami-rami pa rin ang galit. Sa aking pananaw, hindi pa rin tanggap ng ibang tao ang paliwanag ni Matt. Hindi ko naman silang masisisi kasi medyo hindi nga kanais-nais ang nakasulat ngunit (muli, sa aking pananaw) wala sa kanila ang karapatang manghusga kung tama nga ba ang ginawa ni Matt o hindi. Sabi nga ng mga postmodernist, sino ang nagtatakda ng kung ano ang tama at mali? Sino ang may karapatan na sabihin kung ano ang dapat ilagay sa blog ng isang tao? Ang lipunan ba? Ang tao? Ang gobyerno? Ang simbahan? Sino nga ba?
Sino rin ang nagsasabi na dapat husgahan ang tao sa kanyang mga naisusulat? Sino ang nagsabina ang mga naisusulat ay ang siyang salamin kung ano talaga ang pagkatao ng manunulat?
Knock knock! Nasa postmodernong panahon na tayo. Medyo buksan na natin ang ating mga isipan sa mga posibleng mangyari dahil maraming maaaring mangyari. Paminsan nga lang, hindi natin matatanggap ang mga ito.
(Naks naman! Halos lahat ng mga post ko ata nasa wikang Filipino. Ahahaha! XD Ano ba to?! =P English blog ko to dati eh!)
(as usual... Ding isn't making any sense at all. OwO )
0 Comments:
Post a Comment
<< Home