Ang Sarap Magmuni-muni....
Dahil wala na rin naman ang English blog, balak kong gawin itong blog para na rin sa mga Filipino na mga sinulat ko.
Oo... Ang sarap pagmuni-munihan ang araw na ito. Problema nga lang, hindi ko pa mabibigyan ng bagong pananaw itong karanasan na ito. Bigyan ko lang muna kayo ng kakaunting ideya kung ano ba ang nangyari. Ahem...
Mas matindi pa ata sa laban ni Pacquiao at ni Morales (kahit hindi ko napanuod) ang labanan dito. On the right corneeeeerrrr weighing mas-magaan-kaysa-sa-nasa-left-corner pounddddddddsssssss.... mama ko!!! On the left corneeeerrrrrrrrr weighing mas-mabigat-kaysa-sa-nasa-right-corner pounddddddddsssssss...... kapatid ko! Tanan!!! FIGHT! At nagsimula na ang tapunan ng mga salita.
Basta... Parang ganyan na ang nangyayari at malamang, kahit hindi ako sangkot sa ayaw nila, kahit isang hamak na referee lamang ako, nadamay din ako parang referee sa wrestling (aba! ba't ko alam 'to? Hindi ko naman hilig ang wrestling.) hala hala! >.> Dumarami nanaman ang mabibilis magalit. Sa simpleng pagpindot ko siguro ng isang "key" dito sa keyboard may magagalit na. Baka sa simpleng paghinga ko nga lang may magagalit na. Libre pa naman ang hangin ah, wala silang dapat ikagalit marahil dapat pa nga silang matuwa dahil sa bawat singhot ko ng hangin na ito, lalong nagkakasakit ang katawan ko.
Wala na rin nanaman akong magagawa. Ganyan sila eh. Hindi ko naman sila mababago dahil sila lang ang may kakayahan na baguhin ang sarili nila. Konting konsiderasyon lang naman ang hanap ko. Kung galit sila sa mundo, please lang, huwag na nila ako idamay. Nakakainis kasi. Ayan tuloy... naiinip nanaman ako sa pag-aantay sa bisita ko. Naliligaw kaya siya? Hindi ko naman siya matawagan para tanungin kung nasaan na siya. Ayaw kasi niya bumili ng cellphone. Hay naku... ang bagal bagal talaga dumating ni Kamatayan.
(Pasensya na kung ganito ang entry na ito.. parang hindi pinag-isipan. Hindi kasi ako yun taong aayusin muna ang kanyang sinusulat bago niya ilalagay sa blog. Ako, bahala na... Kung ano ang naisip ko, isusulat ko agad. Hindi ko na ginagawa at sinusunod ang payo ni Dr. Shirota.)
0 Comments:
Post a Comment
<< Home