Sunday, April 22, 2007

Make-up

Malapit nang ikasal ang pinakamatanda sa aming labin-isang magpipinsan. (nga pala, yun pinsan ko yun bride.. =P ahehehe) Kumuha siya ng isang representative sa bawat pamilya. Sa amin, napili yun kapatid kong si Danna, ang sumunod sa akin, ngunit (isang malaking NGUNIT!) umayaw siya. Bakit? Kasi gagawin siyang abay at medyo mahirap talagang makahanap ng sapatos para sa kanya. at... aba aba! ako ang ginawa niyang proxy kaya ako na ngayon ang abay. >.> (mahirap din naman maghanap ng sapatos na kakasiya sa akin ah! >o< ) Basta, ayun. Ako na ang magiging abay. >.<

Ayos lang naman sa akin na maging abay kaso kapag naaalala ko na lalagyan pa ako ng make-up sa mukha, medyo alanganin ako. Noong mga panahon na naglagay ako ng make-up sa mukha, hindi ko masyadong nagustuhan ang hitsura ko. Parang hindi ako kung hindi ibang tao ang nakikita ko sa salamin. Kung papahiran ako ng make-up sa aking mukha, ang gusto ko ayung medyo manipis lang at hindi makapal ngunit sabi nila, maputla raw ang nagiging hitsura ko. Wala akong magagawa hindi ba? =P

Bakit nga ba ayaw ko ng make-up? Napag-isip-isipan ko ito kanina at ang unang rason na naisip ko ay ang hilig ko sa natural na mga bagay. Mas maganda para sa akin ang isang natural na bagay kaysa sa isang bagay na ginalaw na ng tao. Halimbawa, mas nagugustuhan ko ang pumunta sa mga bundok at gubat kaysa sa mga hardin o botanical garden. Mas nakukuha rin ng mga hayop na nasa gubat/dagat ang aking atensiyon kaysa sa mga hayop na nasa zoo o mga kung anu-anong shows. Ganun na rin ang pagtingin ko sa natural na ganda ng mukha at sa
"pinagandang" mukha ng make-up.

Pangalawa, ayaw ko na tinatakpan ang mali ko. Ginawa ang make-up upang maitago ang mga sablay na nakikita sa mukha ng isang tao tulad ng pimples, blackheads, peklat at iba pang mga bagay na humahadlang upang tawaging "flawless" ang mukha ng tao. Kung titingnan mula sa punto de bista ng lipunan/media, kailangan ang make-up upang matakpan ang kamaliang ito. Ako pa naman ang taong ayaw na ayaw takpan ang pagkakamali ko. Marahil sa aking "subconscious", inaayaw ko ang make-up dahil dito.

Paminsan-minsan nga lang siguro kailangan ko rin ng make-up. =)

<< Home

Profile


Name: Diane Marie C. Lee
You can call me: Ding, Dianie, mommy Ding, Dingy Wingy, etc.
My wuvies (likes): anime, bishies, drawings, music, friends, RPGs, RPs, N-mates!!! x3
I hate: lizards >o<, user-friendly friends *stabs them*, ghosts?

Links

Other Blogs
Melody <-- my ex-partner
Inez <-- my friend's blog
Honey <-- N-mate!! x3
Patdam<-- my fish! XD
GinGin<-- ex-partner
Kim<-- ex partner (lost the link)
RB<-- CS blockmate!
Rudolf<-- CS blockmate! Deescs!
Arianne<-- barkada!!! I mish you! TuT
Larz<-- barkada!! mish you too~ TuT
Roselle<-- anak ko! =3
Nikko<-- sixtreme mate ^^
Be yourself<-- my personal blog
More to come... x3

Random links
My DA page
DeviantArt (DA)
Fanfiction.net
also... more to come.

Previous Posts

Powered by Blogger

Copyright
Whispers of the Wind © Ding
Layout designed by Bliss of Celestial Bliss
Layout from DDG