Sunday, April 29, 2007

halu-halo

Naalala ko tuloy yun sinabi nila Hannah kahapon, "nag-mature ka". Ako nag-mature? Paano kaya yun? Ahaha... Siguro hindi lang nila araw-araw na nakikita tulad ng dati. Nasa Kolehiyo na kasi kami. Ang masaklap pa, magkakaiba pa kami ng kolehiyo na pinapasukan. =( na-miss ko na sila. Kaya siguro ang tagal naming mag-usap. Gusto namin maibalik ang dati naming karanasan. Yung mga araw na kung saan nagsisiksikan kami sa mesa, kung kailan sabay-sabay na natataranta sa mga pagsusulit, kung paano kami natutuwa sa simpleng kwentuhan....

aba.. sinabi sa akin ng kapatid ko na mag-roroom hopping nanaman siya ngayong gabi. Kaso wala pa siya. tsk tsk... Naalala ko tuloy yun mga nakita kong picture kanina sa wallet ni papa. XD Nandoon ang lahat ng graduation pictures naming magkakapatid. Simula prep hanggang high school. bale... 3 yun amin ni Danna, dalawa yun kay Dina kasi hindi pa siya gradweyt ng HS.. XD ahehehe... Nang makita ko yun mga litrato, aba! umiiral nanaman ang masama-sa-sarili na ugali. Kung bakit ko na sabi yun, kasi sinasabi ko nanaman sa sarili ko na ako ang pinakapangit sa aming tatlo. Para sa akin kasi, wala sa akin ang "looks" ng isang magandang babae sa POV ko. (medyo matangkad, sexy, maputi [para sa akin hindi ako maputi... dilaw kasi ako] ) Yun kaptid ko naman si Danna, cute yun. Oo... cute siya. Chubby chubby pero baby face naman. Sarap yakapin nun! Tapos si Dina naman, heartrob naman yun. Maganda si Dina basta ayusan lang siya kasi para siyang lalaki kung umasta, manamit, maglakad, magsalita at kung anu-ano pa. E ako? Mukha akong gurang, chubby pa. >.> amfanget!! >o<

O nga pala.. Hannah! akala ko ba magsasama tayo sa yelo? XD Yun halo-halo natin panu na? XD Magkasama nga tayo sa yelo kahit hindi tayo nag-ice skating. XD

Current status sa YM: hindi ako ishtupident... XD sugah dadeh lang ako ni jami!! XD lol

(I would like to thank Jami for my status.. XD )

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

Profile


Name: Diane Marie C. Lee
You can call me: Ding, Dianie, mommy Ding, Dingy Wingy, etc.
My wuvies (likes): anime, bishies, drawings, music, friends, RPGs, RPs, N-mates!!! x3
I hate: lizards >o<, user-friendly friends *stabs them*, ghosts?

Links

Other Blogs
Melody <-- my ex-partner
Inez <-- my friend's blog
Honey <-- N-mate!! x3
Patdam<-- my fish! XD
GinGin<-- ex-partner
Kim<-- ex partner (lost the link)
RB<-- CS blockmate!
Rudolf<-- CS blockmate! Deescs!
Arianne<-- barkada!!! I mish you! TuT
Larz<-- barkada!! mish you too~ TuT
Roselle<-- anak ko! =3
Nikko<-- sixtreme mate ^^
Be yourself<-- my personal blog
More to come... x3

Random links
My DA page
DeviantArt (DA)
Fanfiction.net
also... more to come.

Previous Posts

Powered by Blogger

Copyright
Whispers of the Wind © Ding
Layout designed by Bliss of Celestial Bliss
Layout from DDG