Friday, March 30, 2007

SI!!! XD

ahaha!! XD Kahit pito lang kami, masaya! =D para sa mga hindi nakasama, eto ang nangyari:

Una, nagkita-kita kami sa ateneo. bale... mga nandun, ako, nelvin, ej, sher at rb. wala pa si rudolf so... sinundo namin siya! (Note: 8:00 ata kami umalis ng ateneo) =D TRAFFIC!!! >O<>O<

Naunahan na kami ni Amboy sa SI. Nasa Alabang exit pa lang kami... nasa SI na siya. >< So... skip the traffic part, nakarating din kami sa SI. (yey!) (Note: 11:00 am na kami nakarating) Basta... e di kasama na namin si Amboy tapos so... bihis muna. Aba! may nangyari sa mga lalake. XD Bitoy's~~~ XD dahil tinatamad na ako mag-type nun nangyari.. eto (sa YM conversation ko na natype to):

Diane Lee: kc.. prang may dlwang babae... yun isa prang nagbibihis... tapos yun isa naman tinatakpan yun babae..
Diane Lee: bsta wla sa shower room..
Diane Lee: nsa labas ng shower room ng lalake..
Diane Lee: tapos.. ang ggwin nila..
Diane Lee: kpg may dadaan na lalake..
Diane Lee: tatapunan nila ng thong... o kya bra
Diane Lee: ahaha.. XD

Ayan. Alam ko nabiktima sina EJ. Oo, di ko nakita at kinwento lang nila sa amin ni Sher ang nangyari. Nahanap din namin yun camera. XD ahaha. Yun mga wallet, cellphone at camera namin, iniwan namin sa isang locker. Tapos... yun... iniwan lang namin yun mga bag namin sa isang mesa sa kung saan. X3 E di una namin pinuntahan, yun waves! Ahaha.. lagi akong natatangay. dapat pala sa waves, hanggang 4-5 ft lang yun mga ka-height ko. Kasi kung hindi, sisitahin tayo ng guard. Tapos.. ang technique sa waves, kapag may malakas na wave na tatama sayo... SIDEVIEW!!! XD wag nakatalikod o nakaharap.

Tama na sa waves, sinakay naman namin yun slide na may salbabida. Yun medyo mabagal kumapara sa iba. E di akyat sa taas... sakay... splash! Tapos... next na! XD Yun balsa river na kulay green. May theory nga pala si sher at ej sa kulay nun. what is blue + yellow? Go figure.. =D alam niyo na yun. Medyo "warm" pa nga raw yun tubig sabi ni Rudolf eh. =P

e di nakarating na kami sa susunod na sasakyan namin. Magellan's Drop!!! (YEY!!!!) eto yun nakadapa ka sa isang parang mat tapos slide ka pababa. XD Ang saya saya!!! ahaha.. medyo nakakatakot pero saya! May theory din ako dun eh... kapag malaki at mabigat ka (tulad ko), mabilis ang pag-slide mo. Astig! Ang layo pa ng ma-slislide mo sa dulo. Mas astig!!! XD ahaha.. at kung uhaw ka, wag mag-alala! ibuka mo lang ang bibig mo.. parang kung iinom ka sa water fountain. May tubig na sasalubong sayo habang pababa ka. XD

Pagkatapos nun, yun family slide ata yun. Yun may malaking salbabida tapos 3 kayong sasakay dun. ang masama nga lang kasi, dapat 3. Walang sobra.. walang kulang. Tatlo DAPAT. e pito kami... so may humiwalay. =( boo.............. anyway... ayun. splash din naman ang abot namin sa dulo.

Sumunod, nag "body slide" kami. yun nakahiga ka lang tapos mag-slislide ka. Ayun. Splash lang dun naman abot namin sa dulo. Pero di sumama sa amin si sher. >o< awww... ahaha.. o nga pala, sa pag splash namin.. dahil walang salbabida, lunod kami sa dulo. XD pero mababaw lang yun. naalala tuloy namin ni nelvin yun kinuwento ni honey sa amin. XD ahehehe.. nasan si sher? Nag family ride uli. =D

Pagkatapos... isa nanamang salbabida ride! yun nga lang.. mas mabilis. E di.. Wee!!! err.. alam niyo na rin naman ang nangyayari sa isang salbabida ride di ba? So.. no need to explain. Mas mabilis lang naman yun eh. XD tapos...

kumain na ata kami nun... ata. basta.. some time or another.. kumain din kami. Mahal ang tubig dun. Inumin na lang siguro yun tubig sa pool. libre pa. XD Hindi na interesting yun pagkain namin. Lahat naman tayo kumakain eh. so.. alam niyo na rin naman ang buhay ng kumakain. =D

At dahil kakakain lang namin, pahinga muna. sa kiddie pool!!! XD ahaha.. bale.. hindi namin kasama si EJ at Sher nun. nasa kiddie pool kami, nag-meditate. Dahil maraming mga bumubuga ng tubig dun na parang waterfalls. XD Upo sa ilalalim ng waterfalls at meditate! XD ahaha... ayun.. pahinga lang kami dun tapos wave uli!!! XD ahaha.. Yes! hindi na ako natatangay! XD so.. umulit uli kmi sa river. XD ngayon, may mga nakuha na kaming salbabida!!! ahaha.. chain kaming lahat... kapit-kapit sa isa't isa. =D tapos.. magellan's drop uli!!!!! XD Tapos... salbabida slide uli! yun mabilis.. ahaha.. tapos.. cam whoring na hindi! =P Basta.. ayun na. Shower tapos uwi. (Note: 4:30 na kami nakaalis ng SI)

Nun pauwi, kasama namin si Amboy nun. Hinatid namin siya hanggang Sucat. Aba! tamang-tama. May motorcade dun. ahaha.. XD so.... natagalan pa kami. Anyway... balik uli sa SLEX. XD traffic nanaman at nakatulog na yung mga nasa likod. (Rudolf, Sher at EJ.. di ko sure si RB. di ko kasi nakita) E di.. ang takbo namin... traffic, hindi, traffic, hindi, traffic. Dahil ganito, usap lang kami nang usap ni Nelvin. medyo boring kasi. ^^; nun malapit na kami sa eastwood, nagising na yun mga nakatulog. Kinuha namin yun "alternative route" papuntang eastwood at nalaman namin sa kaunting pagsasayang ng gas na sarado yun daanan na yun. E di balik sa matrapik na daan. Himala! nawala yun traffic. XD basta nakarating na kami dun ng 6:30 pm. XD o di ba? kompyut niyo na lang ang travel time namin. =D

Pagkarating dun, pumunta kami sa power station. Kakaunting laro lang tapos umalis para kumain sa isang lugar hindi pa namin alam. XD Sa bandang huli, kumain din kami sa Teriyaki Boy. Bale.. pagkatapos uli ng pagkain, e kailangan ko na mag-exit. Nandiyan yun sundo ko eh. So.. ayun! =D basta alam ko nag-powerstation uli sila pagkatapos. =D

NEXT TIME!!!! Bowling naman at ice skating uli tayo block N!! sama naman kayo! XD

Monday, March 26, 2007

Ano ba ang gusto niyong gawin ko?!

Ano ba talaga ha?! Sinasabihan na naman ako na i-check ko raw yun email ko.. sure.. Pagkatapos ng pagrereview ko at paggawa ng paper. Pagkatapos din pala ng pagprint ko uli ng research paper namin kasi hindi daw kami nagpasa e nagpasa naman. Aayusin ko nga pala muna uli yun printer.. hindi na-detect.

Oo na... checheck ko na yun email ko. hindi din naman mahahanap ng kapatid ko yun file na kailangan eh. Sa dami ba naman ng mga trash mails na natatanggap ko at sa dami ng mga hindi ko maintindihan na characters, mahihilo talaga yun sa paghahanap.

oo na nga sabi eh.. loading lang yun mail. Pinagbibigyan ko na nga kayo eh. Hindi na nga ako nag-aaral tapos hindi ko pa nagagawa yun requirement ko para lang sa trip na to.

OO NGA EH! LOADING NGA LANG YUN MAIL EH! Ano ba talga gusto niyong gawin ko?! Sige.. kung gusto niyo e di ibabagsak ko ang ateneo! lahat para lang maging masaya kayo.

Ano ba talaga?! Kung ibabagsak ko magagalit kayo... wala na akong magagawa. Sa ginagawa kong ito tatadyakin ako ng ateneo papalabas. Hindi naman sa ayaw ko kayong pagbigyan pero sana lang hindi niyo sisihin na email ko ang ginamit. Hindi ko naman kasalanan na ako yun kinuhanan ng email eh

Thursday, March 22, 2007

Fantasy is Better than Reality

In the beach, I made a sand castle. Small but memorable. Hard to build but fun. Amateur-made but a masterpiece.

Should I let the waves thrash my sand castle?

But the waves didn't even ask my permission. I just looked at the sea then to the ruins of my castle. Where'd it go? Are the king, queen and princesses safe? Where are they?

A hand tapped my shoulder. "It's ok. Who cares about it anyway? You still have more sand castles to build."

But it wouldn't be the same. It never would. I haven't even built a sand castle in my entire 18 years of living.

Sunday, March 11, 2007

Ang Sarap Magmuni-muni....

Dahil wala na rin naman ang English blog, balak kong gawin itong blog para na rin sa mga Filipino na mga sinulat ko.

Oo... Ang sarap pagmuni-munihan ang araw na ito. Problema nga lang, hindi ko pa mabibigyan ng bagong pananaw itong karanasan na ito. Bigyan ko lang muna kayo ng kakaunting ideya kung ano ba ang nangyari. Ahem...

Mas matindi pa ata sa laban ni Pacquiao at ni Morales (kahit hindi ko napanuod) ang labanan dito. On the right corneeeeerrrr weighing mas-magaan-kaysa-sa-nasa-left-corner pounddddddddsssssss.... mama ko!!! On the left corneeeerrrrrrrrr weighing mas-mabigat-kaysa-sa-nasa-right-corner pounddddddddsssssss...... kapatid ko! Tanan!!! FIGHT! At nagsimula na ang tapunan ng mga salita.

Basta... Parang ganyan na ang nangyayari at malamang, kahit hindi ako sangkot sa ayaw nila, kahit isang hamak na referee lamang ako, nadamay din ako parang referee sa wrestling (aba! ba't ko alam 'to? Hindi ko naman hilig ang wrestling.) hala hala! >.> Dumarami nanaman ang mabibilis magalit. Sa simpleng pagpindot ko siguro ng isang "key" dito sa keyboard may magagalit na. Baka sa simpleng paghinga ko nga lang may magagalit na. Libre pa naman ang hangin ah, wala silang dapat ikagalit marahil dapat pa nga silang matuwa dahil sa bawat singhot ko ng hangin na ito, lalong nagkakasakit ang katawan ko.

Wala na rin nanaman akong magagawa. Ganyan sila eh. Hindi ko naman sila mababago dahil sila lang ang may kakayahan na baguhin ang sarili nila. Konting konsiderasyon lang naman ang hanap ko. Kung galit sila sa mundo, please lang, huwag na nila ako idamay. Nakakainis kasi. Ayan tuloy... naiinip nanaman ako sa pag-aantay sa bisita ko. Naliligaw kaya siya? Hindi ko naman siya matawagan para tanungin kung nasaan na siya. Ayaw kasi niya bumili ng cellphone. Hay naku... ang bagal bagal talaga dumating ni Kamatayan.

(Pasensya na kung ganito ang entry na ito.. parang hindi pinag-isipan. Hindi kasi ako yun taong aayusin muna ang kanyang sinusulat bago niya ilalagay sa blog. Ako, bahala na... Kung ano ang naisip ko, isusulat ko agad. Hindi ko na ginagawa at sinusunod ang payo ni Dr. Shirota.)

Friday, March 09, 2007

free blogging! XD

I'm now finally free of blogging whenever I want. ^^; Yes... I'm one of those people who blog once a month or maybe once every two months. ^^;;; I'll be keeping this blog anyway. I won't be discarding it even if it seems more useful if I discarded it. Why? This is one of the blogs I've started to love. =D (awww...) really. It's one of my blogs that has a lot of posts already. XD ahaha..

Saturday, March 03, 2007

I was never good...

I was never good at writing. I don't know why I even bother writing fan fictions in the first place. Maybe, this is also one of the reasons I have low-maintained blogs and one-paged journals. I assume that when God showered the talent of writing, I was fast asleep and wasn't able to be blessed with that gift.

Writing is one of my greatest frustrations in life, and it's one of those things that make me look down on myself. My writings are so simply plain, dull and boring. Nothing's new and there's no spice in it. Not even a pinch. I guess this reflects how "obedient" I am in following rules. Probably the reason I'm not appreciating my own writing is that I stick to the conventions. It's always the Subject-Verb-Predicate syntax for me ever since I-don't-know-when. I envy those who go out of the box, out of the conventions in writing. With a chain on my neck, I fear that once I break out of it [conventions] I would be a stray cat -- different, unnoticed and scared.

Being a stray seems... exciting. You're free to go anywhere, free to do anything. Am I... going to be a stray?

(ei.. sorry for the crappy last post for a blog report. Yes, I'm in the I-pity-myself-because-my-writing-sucks kin of moment. )

Profile


Name: Diane Marie C. Lee
You can call me: Ding, Dianie, mommy Ding, Dingy Wingy, etc.
My wuvies (likes): anime, bishies, drawings, music, friends, RPGs, RPs, N-mates!!! x3
I hate: lizards >o<, user-friendly friends *stabs them*, ghosts?

Links

Other Blogs
Melody <-- my ex-partner
Inez <-- my friend's blog
Honey <-- N-mate!! x3
Patdam<-- my fish! XD
GinGin<-- ex-partner
Kim<-- ex partner (lost the link)
RB<-- CS blockmate!
Rudolf<-- CS blockmate! Deescs!
Arianne<-- barkada!!! I mish you! TuT
Larz<-- barkada!! mish you too~ TuT
Roselle<-- anak ko! =3
Nikko<-- sixtreme mate ^^
Be yourself<-- my personal blog
More to come... x3

Random links
My DA page
DeviantArt (DA)
Fanfiction.net
also... more to come.

Previous Posts

Archives

Powered by Blogger

Copyright
Whispers of the Wind © Ding
Layout designed by Bliss of Celestial Bliss
Layout from DDG